Pinoy on the Loose

January 9, 2008

Parang napapansin ko na may pagkamayabang din ang Pinoy. Kahit anu-ano nalang ang pinanggagawa o pinagsasabi para lang sabihin ng iba na sila ay “in.” Kahit hindi marunong mag-Englis pinipilit parin. Porke’t nagtatrabaho bilang call center agent, mag-i-Englis na kaagad sa mga malls, at kahit sa jeepney.

Isang araw kasi nang mapasakay ako sa nagsisiksikang sasakyan, may nakatabi akong isang babae na hanep ang porma. Porma nga lang ‘yung hanep. ‘Di naman siya kagandahan. Mapapansin mo na call center agent talaga siya sa pananamit palang, maliban sa suot n’yang ID. Englis siya nang Englis habang may kausap sa telepono.  Linilibak na nga siya ng iba pang mga pasahero. Mayabang talaga porke’t spokening dollars. Wala naman sa pagmumukha. Kulang nalang ikiskis nya ang sand paper sa mukha niya, kahawig parin niya si Chaka doll. Kahit siguro lunukin niya buong garapa ng glutathione tablets, ‘sing-itim parin siya ng adobong pusit na kinakain ko. Ang kapal pa ng make-up na parang sinubsob niya ang mukha sa isang sakong harina. Ayan, namura tuloy. Kasi naman, kahit ordinaryong tao lang ang mga drayber, bakit kailangang mag-Englis pa? Sabihan ba naman ang mama na “Im getting off” pagbaba niya. Kawawa naman si Manong, napailing nalang. Madapa sana ang babaeng ‘yun. Hindi ko sinabing masama ang mag-Englis, pero sana naman gamitin natin sa tamang panahon.

Isa pang kayabangan ang ginawa ng Pinoy. Nasa jeep na naman ako nang may nag-text sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone at binasa. Iilan lamang kami sa loob ng jeep at kitang-kita ko ang ibang pasahero na bumunot din ng kani-kanilang cellphone. Ayon, text din nang text. Nakakita ako ng N7610. Meron ding Sony Ericson at Motorola. Nagsilabasan din ang mga Nokia models. Kahit nga 5110 hindi nagpahuli. Ewan ko ba sa mga taong ito. Kahit nasa gasoline station, panay parin ang text. ‘Yung isa, panay ang balance inquiry para kunwaring may nagti-text. Level 10 ata 2 d maximum level ang ringtone. Buti nalang at walang holdaper sa loob, kundi tsugi lahat ng mga cellphones na ‘yun.

Kasi naman, ang mga Pinoy, hindi nagpapadehado. Kahit walang makain, kailangan “in.” Walang mangyayari sa atin kung puro nalang yabang ang paiiralin. Masyadong mapagmataas. Likha ba talagang ganyan ang Pinoy o sadyang impluwensya lang ito ng pananakop ng mga banyaga? Ako’y napayuko na lamang hanggang sa makarating sa paruruonan.

Advertisements